Ang kasiyahan, panandalian lang,
Mabilis din napapawi ng kalungkutan,
Kaya’t habang Masaya ka pa’t nagagawa mo pang tumawa, lubusin mo na.
Dahil hindi natin alam, kung kelan muli luluha ang ating mga mata.
Kung minsan, nagagawa na lang natin tawanan ang lahat,
Ang lahat ng sakit ng nakaraan at ating pinagdadanasan.
Pero, darating at darating din ang panahon na kelangan
Natin harapin ang realidad, na kahit anong gawin natin,
Na ang nawala ay kelangan nating palitan,
Dahil kelan man, kahit sabihin pa natin na nalimutan
Na natin ang lahat, ito’y hindi mawawala sa ating isipan,
Dahil ang pinagsamahan, ay kailanman,
At hindi basta mabubura sa isipan ng sinuman.
Mahirap iwasan, dahil takot tayong aminin,
Takot tayong harapin.
Pero ni minsan ba, natanong na natin sa ating sarili
Kung bakit? Nasubukan mo na bang harapin ang tanong
Na paano? Hindi ba’t sasagutin mo rin ang tanong na bakit.
Dahil hindi rin naman mangyayari ang lahat kung ikaw man
O siya lang ang gumawa.
Hindi siya gagawa kung wala kang ginawa.
Masakit man ang nakaraan, kelangan nating itong aminin at tanggapin,
Dahil hindi mo rin mabubura ang nakaraan, at tanggapin nalang ang nangyari.
Dahil ang taong na minsan nagging parte ng buhay mo,
Na nagpasaya sayo, at dumurog ng puso,
Ay hindi mawawala sa iyong isipan.
Hindi mo man siya Makita, o araw araw mo pang Makita,
Siya at siya parin at walang magbabago, kung hindi ka matutong
Tumanggap ng bagay bagay na naganap.
Kaya’t Ngitian mo nalang, at tawanan at magpasalamat sa lahat.
Salamat, at nagging parte ka ng buhay ko,
Dahil hindi ako nagging ganito ngayon,
Kung di dahil sayo.
Natuto akong hanapin ang sarili ko,
Natuto akong pahalagahan ang taong mga nagpapahalaga sa akin,
Na di tulad ng dati, na ikaw lang ang taong pinakamahalaga sa buhay ko.
Natuto akong huwag ibigay ang lahat,
Hindi dahil sa sayang,
dahil mas marami pang tao ang nararapat.
Salamat.