Paano nga ba
Galit ako, at hindi kita gusto.
ginagamit mo lang ako, sa kung anong tagay ko.
ayoko sayo, hindi ikaw yung aking tipo,
hindi ka papatok sa klase ng tama ko.
Ngunit nandito parin ako, nasa tabi mo.
handang gawin ang lahat para sayo.
kahit na mahirap at impossible,
ginagawa kong possible.
kahit na nahihirapan narin ako,
basta't alam kong ginawa ko para sayo.
makita lang kitang ngumiti
at madinig ko lamang iyong tinig,
mapapawi na ang lahat.
Hindi ko man sabihin,
handa ko naman gawin.
dahil takot lang akong sabihin sayo,
kung ano ang nilalaman ng puso ko.
Minsan nakong nagkamali,
at ayoko nang lumayo kang muli.
Aaminin kong minsan na ako sayong umibig,
lumayo ako at akala ko'y ayos na ang lahat.
na akala ko'y kaibigan nalamang kita,
ngunit kelangan muling tumibok ang puso ko
at muling pumasok ang imahe mo sa isipan ko.
Aaminin kong Mahal kita,
Tunay at walang duda.
Nasasaktan ako sa tuwing may kasama kang iba,
hindi mo ako masisisi kung sa milyon ay ikaw
lang muli ang babaeng nakapag-patibok ng puso ko.
Sana malaman mo, kung gaano kitang minamahal.