handang mawala ang kanyang mga gusto at hilig.
kahit na masakit, kahit na mahirap
handang isakripisyo ang lahat ng walang kapalit.
maganda man o pangit,
nagagawa paring ngumiti kahit na minsa'y masakit.
basta't makita lang ang ngiti sa kanyang mukha.
Di bale nang ako, kahit mawala pa sakin ang lahat,
dahil alam ko na ginawa ko lang ang dapat.
Ngunit, hindi dahil na alam mong mahal ka niya,
sana, kahit minsa'y sumagi sa iyong isipan
At makita mo na sa likod ng kanyang mga ngiti
ay ang nanlilimahid sa libag niyang batok na sunog.
Dahil kelan man, hindi niya sasabihin sa iyo kung bakit,
o ipapaalam at dadaanin nalang ang lahat sa biruan.
Tumawa ka lamang ng bahagya at huwag nang sobra.
sa kabila ng mga kaligayahang iyong tinatamasa,
sa piling man niya o sa iba, ay daig pa ang tumawid
sa bunganga ng bulkan ang dinanas niya.
Tawanan mo ako sa aking harapan,
huwag lang sa aking likuran.
milyong katao man silang nagtatawanan
nang wala sa aking harapan,
tanging hiling ko lamang ang makita ang iyong kaligayahan.
Dahil ano mang hirap at sakit na aking diranas,
ay napapawi sa himig ng tinig mong kay ganda't
na tila ba'y umaawit sa tuwing sambatin mo ang aking pangalan.
stupido nga kung umibig,
kung ang lahat nalang ay bunga ng pag-ibig.
stupido na kung stupido, tinamaan lang ako ni kupido.
No comments:
Post a Comment