Thursday, November 10, 2011

Binatang Bading


Salot sila kung ituring,
Mga nagkalat na bading.
Hayop kung gumiling,
Kahit mukha pa siyang pating.

Kawawang binata,
Tumatawang wakwak ang muta.
Mag-ingat sa Bakla,
Baka ikaw ay mamutla.

Bading na magaling,
Mapang-akit kung maglambing.
Mag-ingat ka matsing,
Baka ika’y magunting.

Huwag mong iwasan,
Kung ika’y punasan.
Ang dalaga na kung minsan,
Naging binata rin naman.

Isa lang ang kanilang hiling,
Na ating dapat dinggin.
Na ang binatang bading,
Ay atin tanggapin.

No comments:

Post a Comment