Monday, November 7, 2011

Ulan


Bakit ba puro nalang tanong ang umiikot sa aking isipan,
Na pati ba naman ang ulan, pinapakialamanan.
Sana ang pag-ibig para nalang bagyo,
Na sa tuwing dumarating, Masaya tayo
Dahil siguro sa init na gusto natin mabawasan.
Pero pag ang tag-ulan ay tumagal,
Puro naman tayo angal.
Masakit, mahirap, na parang pag-ibig lang.
Na sa una masarap, di kalaunan iiyak ka nalang.
Sana kahit minsan, na ang pagluha
Parang patak lang ng ulan.
Sa una matagal, bahagyang mahaba.

Na para bang wala nang katapusan,
At parang kulog at kidlat,
Na nagsusumigaw na damdamin mo.
na nagsasabing tama na, na ang hirap
at ang masakit, pede bang tama na.
dahil sa tuwing nakikita kita,
nasasaktan lang ako,
na bakit hinayaan na mawala ang tulad mo.
At kahit ano pang gawin ko,
Hihintayin ko nalang tumila ang ulan,
Dahil alam ko, hindi man ngayon,
Bukas sisikat din ang araw,
At may isang bahagharing tanda na minsan pa,
Na dumating ang isang bagyo na nagbigay satin
Nang kaligayahan at
tayo’y nasaktan at tinuruan.

No comments:

Post a Comment