Monday, November 7, 2011

Isang stick lang


Ang Pag-ibig, parang yosi lang
Sa una, takot kang tikman,
Dahil hindi mo pa ito nararanasan.
Sabi ng iba, masarap,
Pero sa huli, mahirap.

Sa bawat usok na ating hinihithit,
Ay katumbas ng sarap at sakit.
Kung minsan, magsasawa ka,
At sasabihing ayaw mo na.

Ilang beses mo man subukin tumigil,
Lalo mo pang hahanapin at nang-gigigil.
Oo, wala na, at ayaw mo na,
Kahit pa sabihin mong huli at wala na.
Tumigil ka man sa yosi,
Naiiwan parin sa loob ang usok.
Hindi mo man nakikita,
Nararamdaman mo lang ang sakit.
Na parang kailan lang,
Na isang stick ng yosi,
Ng ilang minuto lang.

No comments:

Post a Comment