Walang Pakialam
sa panulat ni Peter Eduria III
Sumakay ako ng jeep,
isang dalagang naipit
Sa jeep na masikip,
mahigpit akong nakakapit.
isang dalagang naipit
Sa jeep na masikip,
mahigpit akong nakakapit.
Nangahoy ang aking lawit,
sa dalagang walang sabit.
Pangarap siya'y masungkit,
ng katabi kong bogang singkit.
Hindi nakatiis ang holdaper,
nilabas niya ang dalang butiki.
Nagulat ang manong tsuper,
nang sumigaw ang dalagang puti.
Hinipo ng boga ang Hita,
ang tao'y tila walang nakita.
butiking nakatutok,
sa dalaga'y handang pumutok.
Kawawang puting dilag,
sa hayop siya'y nabihag.
mga taong walang pakialam,
sa huli't sila rin ay pinutukan.
Paulit-ulit na lamang,
ang buhay na walang paki-alamanan.
Huwag kang mag-reklamo sa pangit mong bayan,
sa buhay mo lang ika'y may pakialam.
Isa kang bulag na mambabasa,
at bingi sa katotohanan.
Matuto kang makialam,
ng hindi binabayaran.
Iyong pagmasdan at pakinggan,
Ang hubad na katotohanan sa iyong bayan.
No comments:
Post a Comment