Tuesday, December 11, 2012

Tinagalog


Tinagalog

Huwag kang malungkot,
kung mawala man ang araw.
Huwag ka nang matakot,
darating din ang liwanag.

Ibulong mo sa hangin,
ang hindi mo masabi sa akin.
At aking diringgin,
ang pagdampi ng hangin.

Hayaan nalang natin ang pagdaloy ng tubig,
kasama sa pag-agos ang ating damdamin.
Tangay ang tunay nating pag-ibig,
pag-ibig na hindi natin magawang maamin.

Ang aking mata'y unti-unting pumipikit,
at hindi na muling titingin sa daan.
Dahil hindi ko na muling ipipilit,
ang nakaraang nagtapos ng walang paalam.

No comments:

Post a Comment