Kaibigan
kaibigan kita dahil magaling ka
kaibigan nga kita at maasahan ka
at paano nalang kung wala ka.
kaibigan kita, sagot mo't ako ang bahala
kaibigan kita at sa langit ako ang iyong kasama
kaibigan kita kung anong meron ka
kaibigan kita dahil maitsura ka
kaibigan kita dahil kasama mo siya
kaibigan kita dahil kilala mo siya
kaibigan kita at kelangan kita
masaya ako ng naging kaibigan kita
ngayon at tapos na,
maaari bang makilala
kung sino ka.
ngayon at tapos na,
maaari bang makilala
kung sino ka.
No comments:
Post a Comment